Hindi lamang si Pangulong Arroyo ang mag-uulat tungkol sa estado ng bansa sa Hulyo 27, kundi pati mga mamamayang aktibong lumalahok sa “Boto Mo iPatrol Mo: Ako ang Simula” ng ABS-CBN.
Simula Lunes (Hulyo 20), maaari nang maiparating ng mga “Boto Patrollers” ang kanilang saloobin at opinyon sa buong mundo sa pamamagitan ng “SONA Mo, iPatrol Mo.” Dito’y hinihikayat ang mga “Boto Patrollers” na ipadala sa ABS-CBN ang kanilang bersyon ng State of the Nation Address o SONA – taunang talumpati ng Pangulo tungkol sa lagay ng bansa.
Sa “SONA Mo, iPatrol Mo,” kailangan lamang na kunan ng retrato o video ng “Patroller” ang isang eksena o insidente sa kanyang komunidad na sa tingin niya ay naglalarawan ng tunay na lagay ng bansa. Maaaring i-MMS o i-email ang retrato o video na ito, lagyan lamang ng maikling paliwanag.
“Sa pamamagitan ng ‘SONA Mo, iPatrol Mo,’ nais nating malaman ang opinyon ng ating mga kababayan sa lagay ng bansa base sa nakikita nila o nararanasan sa kanilang mga komunidad,” sabi ni ABS-CBN New Media Manager Arlene Burgos.
Ang pinakamagandang mga kontribusyon ay ipalalabas sa mga programang “TV Patrol World,” “Bandila,” at “Umagang Kay Ganda” simula Lunes (Hulyo 20) hanggang Biyernes (Hulyo 24), at maaaring maging bahagi ng coverage ng ABS-CBN news coverage sa pagbibigay ni Pangulong Arroyo ng kanyang SONA sa Hulyo 27.
Para sumali, maaaring magpadala via MMS ang mga rehistradong “Boto Patrollers” ng kanilang retrato o video reports at i-text ang ireport(space)name(space)address(space)message sa 2366. Maari rin silang mag-email ng mga retrato at video at mga caption nito, o links kung saan naka-upload ang mga retrato o video, sa ireport@abs-cbn.com. Ilagay lamang ang pangalan at Patroller ID number sa subject line ng email at ipadala ito mula Hulyo 18 hanggang 24.
Simula nang ilunsad ang BMPM noong Mayo 11, mahigit 15,000 Pilipino na ang sumali rito at naging “Boto Patroller” na siyang magsisilbing citizen journalists na mag-uulat ng mga anomalya kaugnay sa eleksyon gamit ang kanilang cell phone o sa pamamagitan ng Internet. Ang mga ulat ay sinisiyasat ng mga mamamahayag ng ABS, at maaaring maging bahagi ng news coverage ng mga programa ng istasyon.
Patuloy na gumagawa ang ABS-CBN ng mga makabuluhang hakbang kaugnay ng kampanyang himukin ang mga mamamayan na makibahagi sa mga prosesong demokratiko tulad ng halalan. Isa sa mga hakbang na ito ang nalalapit na ikatlong ANC Leadership Forum kung saan inimbitahan sina Vice President Noli De Castro, Sen. Francis Escudero, Sen. Francis Pangilinan, Sen. Loren Legarda, Sen. Manuel Villar, Sen. Manuel Roxas II, Defense Secretary Gilbert Teodoro, Isabela Gov. Grace Padaca, at Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno. Mapapanood ito sa ANC (SkyCable channel 27) sa Hulyo 28, alas-7 ng gabi at may replay sa Studio 23 sa Agosto 1, alas-6 ng gabi; at sa ABS-CBN sa Agosto 2, alas-10:15 ng gabi.
Muli ring magtatayo ang ABS-CBN ng COMELEC registration booths sa Hulyo 29 (Miyerkules) sa Dagupan, Bacolod, at Zamboanga.
Kamakailan, nakipag-partner na rin sa BMPM ang Life Haven, isang non-government organization na kumakatawan sa mga taong may kapansanan.
Para sa mga nais pang lumahok at makiisa sa BMPM, mag-register sa pamamagitan ng pagti-text ng REGBMPMname/age/gender/address sa 2366 (Globe at Sun subscribers) at 231 (Smart at Talk N’ Text subscribers).
Maaari ring mag-register online sa www.abs-cbnnews.com o kaya’y magpunta sa ABS-CBN stations nationwide pati na rin sa ABS-CBN global bureaus sa San Francisco, Dubai, London, at Sydney.
Manatiling nakaantabay sa pinakasariwang updates sa kampanyang “Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula” sa ABS-CBN, ANC, Studio 23, at DZMM. Bumisita rin sa www.abs-cbnnews.com/botomo at http://botomoipatrolmo.multiply.com o sundan ang BMPM official Twitter account sa http://twitter.com/abscbn_halalan.
Kahirapan, kawalan ng tahanan at gutom, ito ang pangkaraniwang suliranin ng mga Filipino kahit noon pa na hanggang ngayon ay pilit pa ring hinahanapan ng solusyon. Last June 8, 2009 sa Gawad Kalinga Selecta Village sa Cainta Rizal ay inilunsad ang Bayan Anihan sa pangunguna ni Tony Meloto ang founder ng Gawad Kalinga. Nakilalan ang Gawad Kalinga sa rehabilitasyon ng mga squatters area at pagpapatayo ng mga tahanan sa mga nangangailangang komunidad. Ngayon sa Bayan Anihan ay bukod sa tahanang naitayo sa mga GK Villages ay tuturuan din ng Gawad Kalinga na i-cultivate ang mga hindi nagagamit na lupain para sa gamitin para sa ikabubuhay nila. Agrikultura sa bakuran o bakanteng lote ito ang simple ngunit maparaang hakbang ng Gwad Kalinga para mas matuto ang mga tao kung paano nila bubuhayin ang kanilang mga pamilya. Tulad ng isang lumang Chinese Proverb, “Give a man a fish and he’ll eat for a day. Teach a man to fish and he will eat for the rest of his life.” Para sa Gawad Kalinga mas malayo ang mararating ng isang tao na tinuruan kung anong gagawin niya para siya ay mabuhay at hindi mabubuhay lamang sa kung inaabot sa kaniya.
Tulad ni Tuntoy, gutom ang suliraning hinaharap ng pamilya ni Juan dela Cruz, at para sa Gawad Kalinga ang pagkakaroon ng 2,500 farms na magiging source of living ng 500,000 na katao sa loob ng tatlong taon ay isang matinding hamon ngunit isang paraan para makatulong sa kapwa na tulungan nila ang sarili nilang bumangon at itaguyod ang mga sarili at hindi lang nabubuhay sa kung anong inaabot lamang sa kanila.
Nagkaroon ako ng opportunity mainterview na solo si Tony Meloto ang founder ng Gawad Kalinga ibinahagi niya kung paano niya tinayo ang samahang ito at ang mga plano pa niyang gusting gawin sa pagdating ng panahon, sa ako ang unang nagkaroon ng chance mabahagian ng project niya patungkol sa kalusugan sa darating na panahon. Narito ang maikling podcast ko sa kaniya.
Bukod kay Tony Meloto, binahagi rin ni Mike Dimaguiba ang itatakbo Bayan Anihan sa pagdaan ng panahon, you can watch the video here.
Para sa mga gusting makibahagi sa advocacy na ito mayroon tayong tatlong option una ang mag adopt ng farm na kung saan nagkakahalaga ng 3,600 US Dollars of 150, 000 pesos na kung saan mayroon nang 30 na family ang makikinabang, pangalawa ang maging Hunger Warrion na kung saan pwede mong i-devote ang 4 hours mo kada buwan para tumulong at mag-volunteer sa Gawad Kalinga at pangatlo ang maging Bayan-Anihan Ambassador na kung saan ay magiging tagapamahagi ka ng information patungkol sa proyektong ito ng Bayan Anihan. Maging parte ng laban kontra gutom visit their website at BayanAnihan.com.
*Ngayong July 15 ang inyong lingkod ay sasama Harvest Day ng Bayan Anihan sa Tarlac City.
Nakilala ang Globe Telecom pagdating sa mga services nila na angkop sa panlasa ng kabataan lalo na sa mga magkakabarkada nariyan ang Unlitxt, UNYT calls, Globe Trackers at marami pang premium items na swak na swak sa pangangailangan ng mga magkakaibigan, sino ba ang hindi dumaan sa GM or group messaging pag magpapadala ng quotes, jokes at simpleng personal journal lang sa mga kaibigan, yan ang mga common na gawain ng mga magkakabarkada. This time Globe Telecommunications partners with Pelicola.tv isang internet tv in the likes of Happy Slip and others.
Globe and Pelicola.tv launches KADA Kwento, a 5 series episode na kung saan it tells the story of friendship, at individuals na bumubuo sa isang barkada. Last June ni-launch to sa www.globe.com.ph/kadakwento and it is formally introduce sa mga bloggers last June 8, sa Fully Booked sa Bonifacio High Street, Global City, Taguig. As of now mayroon nang 3 videos and naipapakita sa mga viewers, first ang full trailer, second ang Transit na tungkol ito kay Dina isang adventure lover na girl na kung saan sa bawat travel niya or lakad gusto nyang mayroon siyang souvenir na magpapaalala ng place na iyon sa kanya.
Third ay Pick, story ito nina Pol at Penny, magbestfriend na parang aso't pusa kung mag away at ang lahat ng bagay sa kanila ay nireresolve nila sa pamamagitan ng game na Bato Bato Pick. Like other best buds di maiiwasan ang ganitong conflict pero ang kagandahan lang dito ay daig pa nila ang mga bata na ngayon nag aaway sila pero maya maya bati na.
Mayroon pang 3 more videos na iuupload soon sa www.globe.com.ph/kadakwento na sure its either mapapatawa kayo, ma-i-inspire and masasabing ganun din ang barkada ko. Globe sure knows kung paano i-reach ang market nila and that is sa pamamagitan sa interes talaga ng audience nila and that is their kabarkadas.
Ang Sa Wari ni
Sir Kramic |
7/12/2009 11:28:00 AM
|
movie
|
2
comments »
After the success of Star Cinema in producing Maging Sino Ka Man where Bea Alonzo, Sam Milby and Derek Ramsay stars on that hit teleserye on ABS-CBN. Nagbabalik ngayon ang tatlong magagaling na aktor at aktres ng ABS-CBN para sa bagong movie ng Star Cinema ngayong August 12, 2009. Ito rin ang pagbabalik ni Direk Laurenti Dyogi sa pagdidirek ng pelikula sa Star Cinema.
Sa araw na ito may nagaganap na mga misa sa iba't ibang parte ng bansa na kung saan idinadalangin ang kagalingan ng dating Pangulo ng bansa na si Corazon "Cory" Aquino ang biyuda ni Benigno Aquino Jr. ang senador na napaslang noong panahon ng rehimeng Ferdinand Marcos. Si Cory ang nagtuloy ng labang ito para tapusin ang martial law sa bansa at nanalo siya sa snap election na sa tulong din ng mga Filipino na sumama sa People's Power. Ngayon humaharap si Cory sa panibagong pagsubok sa buhay, nakitaan siya noon ng cancer sa colon, at nag undergo ng chemotherapy, ngunit nitong nakaraang linggo ay isinugod siya sa Makati Medical City, as of press time ay nagpapagaling na ang dating pangulo. Pagaling ka Tita Cory kailangan ka pa ng iyong mahal na bansang Pilipinas. Ipagpatuloy ang laban Tita Cory!